Gaano kapani-paniwala ang mga survey? SWS, Pulse, The center, kanya-kaniya silang labas ng kanilang mga survey na pumapabor sa isang kandidato, meron lumalaki ang lamang, meron dumidikit ang isang kandidato, meron naman humahabol. Naniniwala ako na scientific ang pagkuha ng mga survey na ito, sa aking pagkakaintindi, ay proportion sa dami ng mga botante sa isang lugar. As of March 17, 2009, 48,275,594 ang total na rehistradong botante sa buong Pilipinas ayon sa comelec. Sa Zambales naman ay 399,929 ang total na botante, ito ay .00828% bahagi ng mga botante sa buong Pilipinas. Halimbawa kung ang bilang ng kanilang isu-survey ay 2100, ang bilang ng tao na tatanungin nila sa Zambales ay 16-18 o halos tig-iisa lamang bawat bayan o siyudad. Nakakahilong isipin na isa o dalawa lamang botante sa lunsod ng Olongapo ay sapat ng basehan para sa mga survey na ito. Ilan pang katanungan sa akin ay gaano ba ka-honest ang mga taong nagsu-survey na ito? Ilang ang mga surveyor na ito? Sa layo ng mga lugar, sa aking palagay ay kailangan ng mga 500 katao ang gumanap rito. Sa laki ng kahalagahan ng mga surveys para magbigay ng trending pabor sa isang kandidato hindi mawawala sa akin ang isipin may dagdag bawas rin rito.
Surveys sa mga statistics na tulad ng bilang ng mga walang trabaho, mga nagugutom, mga opinyon sa isang bagay, pwedeng pang paniwalaan, pero pagdating na sa survey sa isang contest o pulitika, sa akin, ito ay kaduda-duda. Dahil sa pulitika, pera at pride ng ibat-ibang interest ang nakataya na. Sa akin ang tunay na survey ay sa Mayo 10, 2010 pa, ito ang tunay na survey.
No comments:
Post a Comment